Arbitrasyon ng SCS, na-misinterpret at binaluktot ang UNCLOS——Tsina

2024-06-07 16:50:48  CMG
Share with:

Sinabi Huwebes, Hunyo 6, 2024, ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ang arbitrasyon ng South China Sea (SCS) ay na-misinterpret at binaluktot ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

 


Sinabi ito ni Ma Xinmin, Direktor-Heneral ng Department of Treaty and Law ng MOFA, sa internasyonal na symposyum ng “Review of the South China Sea Arbitration Awards” na idinaos sa lunsod Qingdao, lalawigang Shandong sa dakong silangan ng Tsina.

 

Tinukoy niya na ang mga outlying archipelago ng continental state ay isang natatanging kategorya ng pambansang teritoryo na kinikilala ng internasyonal na batas.

 

Aniya, ang legal na katayuan ng naturang mga kapuluan bilang yunit at ang kanilang mga karapatang pandagat ay kabilang sa mga prinsipyo ng nakaugaliang internasyonal na batas o customary international law, na mas nauna pa sa UNCLOS.

 

Kaya, dapat isantabi ang “convention supremacy,” “convention exclusivity” at “convention priority,” dagdag niya.

 

Hinimok ni Ma ang lubos na paggalang sa nakaugaliang internasyonal na batas at batay rito, iginagalang ang soberanya, mga karapatan ng soberanya o sovereign rights at hurisdiksyon ng mga continental state na may outlying archipelagos.

 

Sinabi pa niya na mahalaga ang atityud na ito para sa pagtataguyod ng awtoridad at integridad ng internasyonal na batas ng dagat at pagtiyak ng internasyonal na katwiran at hustisya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil