Talumpati ni Marcos Jr. sa SLD, nagbabalewala sa kasaysayan at katotohanan —— MOFA

2024-06-03 18:18:33  CMG
Share with:

Talumpati ni Marcos Jr. sa SLD, nagbabalewala sa kasaysayan at katotohanan —— MOFA

 

Sa kanyang talumpati sa Ika-21 Shangri-La Dialogue (SLD) sa Singapore, inilahad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang umano’y batayang pambatas ng saklaw ng teritoryo ng Pilipinas.

 

Kaugnay nito, ipinahayag ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA) na binabalewala ng pananalita ni Marcos Jr. ang kasaysayan at katotohanan, kinakalat ang maling paninindigan, at binabaluktot ang kalagayang pandagat.

 

Inilahad din ng MOFA ang 6 na paninindigan ng Tsina.

 

Una, ang Tsina ay may di-mapabubulaanang soberanya at hurisdiksyon sa mga isla sa South China Sea (SCS).

 

Ikalawa, hindi kabilang sa saklaw ng teritoryo ng Pilipinas ang mga isla ng SCS.

Anang MOFA, sinakop ng Pilipinas ang ilang isla ng Nansha Qundao ng Tsina sa pamamagitan ng puwersa, at pinagtibay ang domestikong lehislasyon, inilahad ang ilegal na pag-angkin ng teritoryo sa Huangyan Dao at ilang isla ng Nansha Qundao ng Tsina, malubhang naki-alam sa soberanya at karapatan ng Tsina, at grabeng lumabag sa pandaigdigang batas na kinabibilangan ng Karta ng UN.

Matatag na tinututulan ng Tsina ang mga aksyong ito, diin ng MOFA.

 

Ikatlo, kahit walang paunang pahintulot ng Tsina, unilateral na inilunsad ng Pilipinas ang internasyonal na arbitrasyon.

Ito ay labag sa pandaigdigang batas, at ginawa ng artbitral tribunal sa SCS ang di-lehitimong hatol.

Sinabi ng MOFA, na hindi tinatanggap ng Tsina ang naturang desisyon, at hindi tinatanggap ng Tsina ang anumang paninindigan at aksyon na nakabatay sa nasabing desisyon.

 

Ika-apat, ang paglala ng isyu ng SCS ay ganap na responsibilidad ng panig Pilipino.

 

Ikalima, sa pamamagitan ng magkakasamang pagsisikap ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), matatag sa kabuuan ang kalagayan ng SCS.

Dagdag ng MOFA, walang anumang problema ang iba’t-ibang bansa sa kalayaan ng paglalayag at paglipad sa SCS, alinsunod ng batas. Nakahanda anito ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng iba’t-ibang bansang ASEAN na kinabibilangan ng Pilipinas, para kontrolin ang pagkakaiba sa dagat at palalimin ang kooperasyong pandagat, komprehensibong isakatuparan ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), aktibong pasulungin ang pagsasanggunian ng Code of Conduct in the South China Sea (COC), para mapangalagaan ang katatagan ng nasabing karagatan.

 

Ikaanim, patuloy na matatag na pangangalagaan ang soberanya ng teritoryo at karapatan ng Tsina sa dagat.


Saad ng MOFA, palaging tumatalima ang Tsina sa maayos na pangangasiwa sa pagkakaiba sa pamamagitan ng talastasan.


Hinihimok ng Tsina ang Pilipinas na isakatuparan ang pangako nito, sundin ang saklaw ng teritoryo na kinumpirma ng pandaigdigang kasunduan, komprehensibong isakatuparan ang DOC, agarang itigil ang probokasyon, at bumalik sa landas ng maayos na paghawak sa pagkakaiba sa pamamagitan ng diyalogo, saad ng MOFA.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio