Tsina sa Amerika, kanselahin ang arms sale sa rehiyong Taiwan

2024-06-08 10:02:47  CMG
Share with:

Ipinatalastas kamakailan ng Amerika ang pag-aproba nito sa 2 arms sale na nagkakahalaga ng mga 300 milyong USD sa rehiyong Taiwan.


Kaugnay nito, sinabi ni Senior Colonel Zhang Xiaogang, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na ang pagbebenta ng Amerika ng mga sandata sa rehiyong Taiwan ay grabeng lumalabag sa prinsipyong isang-Tsina at tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika, lalong lalo na sa tadhana ng “August 17 Communiqué.”


Ito aniya ay grabeng nakakapinsala sa soberanya at kapakanang panseguridad ng Tsina at grabeng nakakasira sa kapayapaan at katatagan ng Taiwan Strait.


Ipinaabot ng panig Tsino ang matinding kawalang-kasiyahan at pagtutol tungkol dito, at iniharap na ang solemnang representasyon sa panig Amerikano, ani Zhang.


Hinihimok aniya ng panig Tsino ang panig Amerikano na tuparin ang prinsipyong isang-Tsina at tatlong magkasanib na komunikeng Sino-Amerikano, at agarang kanselahin ang nasabing arms sale sa rehiyong Taiwan para mapangalagaan ang relasyon ng kapuwa hukbo sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.


Salin: Lito

Pulido: Ramil