Tsina, hinimok ang Amerika na itigil ang pagpapadala ng maling mensahe sa puwersang naninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan”

2024-06-05 17:42:49  CMG
Share with:

Sa news briefing ngayong araw, Hunyo 5, 2024, ipinahayag ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hinimok ng panig Tsino ang Amerika na aktuwal na sundin ang prinsipyong isang-Tsina at tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika, aktuwal na sundin ang pangako ng di-pagsuporta sa “pagsasarili ng Taiwan”, itigil ang pagbebenta ng sandata sa Taiwan at pagpapadala ng maling mensahe sa puwersang naninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan” sa pamamagitan ng anumang paraan.


Kaugnay ng pananalita kamakailan ng Amerika hinggil sa kalagayan ng Taiwan Strait, sinabi ni Mao na ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng Tsina at ang isyu ng Taiwan ay purong suliraning panloob ng Tsina na hindi hinahayaan ang pakikialam ng dayuhang puwersa.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil