Pangalawang Pangulo ng Brazil, kinatagpo ni Pangulong Xi Jinping

2024-06-08 10:06:31  CMG
Share with:

Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo hapon ng Hunyo 7, 2024 kay Geraldo Alckmin, dumadalaw na Pangalawang Pangulo ng Brazil, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na bilang malalaking umuunlad na bansa at mahahalagang bagong-sibol na market economies, ang relasyong Sino-Brazilian ay may mahalagang katuturan para sa pagpapasulong ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga umuunlad na bansa, at kapayapaan at katatagang pandaigdig.


Sinabi naman ni Alckmin na napakahalaga para sa Brazil ng mga karanasan ng Tsina sa pag-unlad.


Nitong 40 taong nakalipas, halos 800 milyong populasyon ng Tsina ang umahon mula sa karalitaan, at ito ay himala sa buong mundo, aniya pa.


Salin: Lito

Pulido: Ramil