Karera ng bangkang dragon bilang pagdiriwang sa Pestibal ng Duanwu, ginanap sa Tsina

2024-06-09 18:13:40  CMG
Share with:


Bilang pagdiriwang sa Pestibal ng Duanwu o Dragon Boat Festival sa Hunyo 10, 2024, idinaos nitong nakalipas na dalawang araw sa maraming lugar ng Tsina ang mga karera ng bangkang dragon.

 

Ang kapistahang ito ay ipinagdiriwang tuwing ika-5 araw ng ika-5 buwan ng Lunar na Kalendaryong Tsino, at bilang paggunita kay Qu Yuan, sinaunang makata noong Panahon ng Nagdidigmaang Estado ng Tsina (475-221 B.C.).

 

Ito ay isa sa apat na pangunahing tradisyonal na kapistahan ng Tsina.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan