4 na bihag sa Gaza, iniligtas ng sandatahang lakas ng Israel: di-kukulangin sa 210 Palestino, patay sa operasyon

2024-06-09 18:14:44  CMG
Share with:

Inihayag, Hunyo 8, 2024, ng Israel Defense Forces (IDF), na 4 na bihag ang kanilang nailigtas sa isang operasyon nang araw ring iyon sa Nuseirat refugee camp sa gitna ng Gaza Strip.

 

Samantala, ayon sa panig Palestino, di-kukulangin sa 210 katao ang napatay sa operasyong ito, at mahigit sa 400 iba pa ang nasugatan.

 

Sinabi naman ni Khalil Al-Dakran, Direktor ng al-Aqsa Hospital sa gitna ng Gaza, na isinugod sa ospital na ito ang maraming sugatang Palestino, at kumpirmadong patay ang marami sa kanila pagkaraang dumating sa ospital.

 

Sa pahayag na inilabas kahapon, kinondena ng Hamas ang naturang pag-atake.

 

Anito, ito ay "kumplikadong krimen ng digmaan."


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan