Tsina, nanawagan para sa win-win na kooperasyon at malusog na kompetisyon sa pagitan ng Tsina at EU

2024-06-10 16:19:05  CMG
Share with:

Nanawagan ang Ministri ng Komersyo ng Tsina para maayos na hawakan ng Tsina at Unyong Europeo (EU) ang alitan ng ekonomiya at kalakalan sa pamamagitan ng diyalogo at konsultasyon, bilang pagtataguyod sa win-win na kooperasyon at pagtanggap sa malusog na kompetisyon.

 

Anito pa, dapat magsikap ang dalawang panig para isaalangalang ang lehitimong pagkabalisa ng isa't isa at maiwasan ang paglala ng alitan sa kalakalan.

 

Idinaos kamakailan ang serye ng symposym ng mga kompanyang may puhunang Tsino at mga asosyason ng negosyo sa mga bansang tulad ng Espanya, Portugal at Greece.

 

Ipinahayag ng ilang kalahok na kinatawan ang pagkabalisa na tuluy-tuloy na sinusugpo ng EU ang kompanyang Tsino sa katwiran ng umano’y pantay na kompetisyon.

 

Kaugnay nito, ipinahayag ni Wang Wentao, Ministro ng Komersyo ng Tsina na ang akusasyong “di-pantay na kompetisyon” na nakatuon sa Tsina ay walang batayan, at ang pantay na kompetisyon ay konsensus ng lahat ng bansa at cornerstone ng internasyonal na pagpapalitan, at hindi maaaring tukuyin ito ng iilang bansa.

 

Ani Wang, naninindigan ang Tsina ng win-win cooperation, pero hindi itong umiiwas o natatakot sa kompetisyon. Tinatanggap ng Tsina ang malusog na kompetisyon, at tinututulan ang mabisyong kompetisyon na mayroong pagsugpo.

 

Salin:Sarah

Pulido:Frank