Ipinahayag, Hunyo 1, 2024 ni Ministro ng Komersyo Wang Wentao ng Tsina, ang pag-asang maayos na malulutas ang mga alitang pangkabuhayan at pangkalakalan sa pagitan ng Tsina at Unyong Europeo (EU) sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Kasama ang EU, nais aniya ng Tsina, na isa-alang-alang ang makatuwirang pagkabahala ng dalawang panig at iwasan ang paglalala ng alitang pangkalakalan.
Sa parehong araw, dumalo rin si Wang sa pulong ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa Espanya , na idinaos sa lunsod Barcelona.
Ipinahayag niya rito, na madalas ini-imbestigahan ng EU ang mga produktong Tsino sa katuwiran ng “sobrang kapasidad” at “di-pantay na kompetisyon.”
Ito aniya ay nagpapasidhi ng alitang pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig.
Samantala, sinusubaybayan ng panig Tsino ang paulit-ulit na pahayag ng mga lider ng Pransya, Alemanya at EU na dapat iwasan ang di-umano’y digmaang pangkalakalan at katigan ang sistema ng multilateral na kalakalan at pantay na kapaligiran ng kalakalan, dagdag ni Wang.
Saad ng ministro, umaasa ang panig Tsino na magiging magkalinya ang pananalita at aksyon ng EU, dahil kung hindi, gagamitin ang mga kinakailangang hakbangin para pangalagaan ang lehitimong kapakanan ng mga bahay-kalakal ng Tsina.
Dumalo sa pulong ang mga namamahalang tauhan ng mga kompanyang Tsino sa Espanya at China Chamber of Commerce sa EU.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio
Tsina, inilunsad ang anti-dumping probe sa kemikal mula sa EU, Amerika, Taiwan region, at Hapon
Ministri ng Komersyo ng Tsina: Tinututulan ang sangsyon ng Amerika sa mga bahay-kalakal na Tsino
Ulat ng mga think tank, nanawagan para palalimin ang kooprasyong Sino-EU sa kapaligiran at klima
Pandaigdigang hamon, magkasamang haharapin ng Tsina't Pransya