Pagbubukas at pagtutulungan, siyang tumpak na landas para sa relasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng Tsina at EU

2024-06-05 16:06:03  CMG
Share with:

Isinalaysay Martes, Hunyo 4, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina ang laging pananaw ng panig Tsino na ang mutuwal na kapakinabangan at win-win na resulta ay esensya ng relasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng Tsina at Unyong Europeo (EU).

 

Aniya, walang kinabukasan ang proteksyonismo, at ang pagbubukas at pagtutulungan ay siyang tumpak na landas.

 

Umaasa aniya siyang susundin ng panig Europeo ang pangako nito sa paggigiit sa malayang kalakalan at pagtutol sa proteksyonismo, at pangangalagaan, kasama ng panig Tsino, ang pangkalahatang situwasyon ng kooperasyon sa kabuhaya’t kalakalan ng Tsina at EU.

 

Saad ni Mao, ang Tsina at EU ay kapuwa ika-2 pinakamalaking katuwang na pangkalakalan ng isa’t isa, at nabuo na ang kayarian ng integrasyon ng supply chain, industry chain at value chain sa pagitan ng magkabilang panig.

 

Igigiit ng Tsina ang pagpapasulong sa mataas na lebel na pagbubukas sa labas, at buong sikap na ipagkakaloob ang bukas, inklusibo, at transparent na kapaligirang pangnegosyo sa mga bahay-kalakal ng iba’t ibang bansa, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil