Nizhny Novgorod, Rusya - Habang dumadalo, Hunyo 10, 2024 sa pulong ng mga ministrong panlabas ng BRICS (Brazil, Rusya, India, China at Timog Aprika), ipinanawagan ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na lubos na patingkarin ang estratehikong kahulugan at epektong pulitikal ng “greater BRICS,” upang itatag ang platapormang ito bilang isang bukas, inklusibo, at makabagong mekanismo ng multilateral na kooperasyon batay sa mga bagong-sibol na merkado at umuunlad na bansa.
Tinukoy niyang dapat patibayin ang kompiyansa sa multilateralismo, upang ilarawan ang bagong blueprint para sa pag-unlad ng mundo sa hinaharap; dapat ipagtanggol ang kapayapaan at katiwasayan, upang ipagkaloob ang makabagong lakas-panulak sa pulitikal na pagresolba sa mga mainitang isyu; at dapat igiit ang orihinal na aspirasyon ng BRICS na may pagbubukas, pagbibigayan, at win-win na kooperasyon, upang pataasin ang pragmatikong kooperasyon ng BRICS sa makabagong antas.
Ipinalalagay naman ng iba’t ibang kalahok na panig na ang pagsapi ng parami nang paraming bansa sa kooperasyon ng BRICS ay nakapagpabilis ng proseso ng multi-polarisasyon ng mundo, at nakapagpasulong sa pagiging mas makatarungan at makatwiran ng kaayusang pandaigdig.
Sinusuportahan din nila ang pagtatayo ng mga bansa ng katuwang.
Sa sidelines ng pulong, magkakahiwalay na nakipagtagpo si Wang sa mga ministrong panlabas ng Rusya, Brazil, Timog Aprika, Ethiopia, pangalawang punong ministro at ministrong panlabas ng Laos, at umaaktong ministrong panlabas ng Iran.
Salin: Vera
Pulido: Ramil