MOFA: Tsina, palalalimin ang estratehikong partnership ng BRICS

2024-02-23 10:37:14  CMG
Share with:

Sinabi kahapon, Pebrero 22, 2024 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang mekanismo ng BRICS na kasalukuyang may sampung kasapi ay malawak na tinatanggap ng mga bagong sibol na merkado at umuunlad na bansa at kasama ng iba’t ibang panig, nakahanda ang Tsina na patuloy na palalimin ang estratehikong partnership ng BRICS.


Ayon kay Mao, ang BRICS ay mahalagang plataporma ng kooperasyon sa pagitan ng mga bagong sibol na merkado at umuunlad na bansa, at palagian at buong sikap na pinangangalagaan ng BRICS ang multilateralismo at pinapasulong ang pandaigdigang kaayusan tungo sa mas makatwiran at makatarungang direksyon.


Saad pa niya, naninindigan ang BRICS sa pagbubukas, pagbibigyan, at win-win na kooperasyon para isakatuparan ang komong kaunlaran at kasaganaan.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil