Inihayag ngayong araw, Hunyo 12, 2024 ng National Bureau of Statistic ng Tsina (NBS), na tumaas ng 0.3% ang Consumer Price Index (CPI) ng bansa noong Mayo 2024 kumpara sa parehong buwan ng nagdaang taon.
Nanatili rin anitong matatag sa pangkalahatan ang konsumo ng Tsina sa nasabing buwan.
Anang NBS, ang presyo ng pagkain noong nakaraang Mayo ay bumaba ng 2.0%, samantalang ang presyo ng iba pang paninda ay tumaas naman ng 0.8% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2023.
Bukod diyan, bumaba ng 1.4% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2023 ang Industrial Producer Price Index ng Tsina, ayon sa NBS.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio