Hunyo 11, 2024, Nizhny Novgorod, Rusya – Sa kanyang talumpati sa Diyalogo ng mga Ministrong Panlabas ng Brazil, Russia, India, China, at South Africa (BRICS) at umuunlad na bansa (BRICS+), ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na dapat pangalagaan ang pangkalahatang seguridad at magkasamang harapin ang mga hamon, igiit ang priyoridad ng pag-unlad, at palakasin ang pagkakapantay-pantay at katarungan para mapabuti ang pangangasiwang pandaigdig.
Samantala, kalahok din sa pulong ang 12 umuunlad na bansang kinabibilangan ng Thailand, Laos, Biyetnam, Bangladesh, Sri Lanka, Kazakhstan, Belarus, Turkey, Mauritania, Cuba, Venezuela at Bahrain.
Ayon sa kanila, mahalaga ang katuturan ng BRICS+, at ang modelong ito ay nakakatulong sa pagkakaisa at kooperasyon ng mga umuunlad na bansa, pagpapalakas ng impluwensiya ng Global South at pagtatatag ng mas makatarungan at makatuwirang kaayusang pandaigdig.
Sa parehong araw, nakipagtagpo rin si Wang kay Maris Sangiampongsa, Ministrong Panlabas ng Thailand.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio