Wang Yi: Kung mas maraming bansa ang sumuporta sa “Six Point Consensus,” mas maliwanag ang mga prospek para sa pagkamit ng kapayapaan.

2024-06-05 16:35:47  CMG
Share with:

Sa magkasanib na paglahok sa press conference Hunyo 4, 2024, sa Beijing, nina Ministrong Panlabas Hakan Fidan ng Turkey at Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, inilahad ni Wang ang pundamental na paninindigan ng Tsina hinggil sa paglutas ng krisis ng Ukraine.

 


Sinabi ni Wang na ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng Ukraine ay pagpapasulong ng talastasang pangkapayapaan, kahit hindi natutugunan ang mga kundisyon ng talastasan, hindi titigil ang Tsina para sa kapayapaan.

 

Aniya, maraming iba’t ibang kumperensya sa daigdig ngayon, pero malayang magpapasya ang Tsina kung lalahok at kung paano lalahok batay sa sarili nitong posisyon.

 

Binigyan-diin ni Wang na sa krisis ng Ukraine, magkasanib na naglabas kamakailan ang Tsina at Brazil ng “Six Point Consensus” para sa pulitikal na paghawak ng krisis na ito.

 

Nananalig aniya ang Tsina na kung mas maraming bansa ang susuporta sa “Six Point Consensus,” magiging mas liliwanag ang kinabukasan ng pagsasakatuparan ng kapayapaan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil