Embahadang Tsino, nanawagan sa Pilipinas para ipagbawal ang POGO

2024-06-14 16:14:13  CMG
Share with:

Sa pahayag na inilabas ngayong araw, Hunyo 14, 2024 ng Embahadang Tsino sa Pilipinas, nanawagan ang panig Tsino sa Pilipinas na ipagbawal ang offshore gambling industry sa lalong madaling panahon.


Sinabi ng tagapagsalita ng Embahadang Tsino, na ipinagbabawal ng batas ng Tsina ang lahat ng uri o paraan ng sugal at nitong ilang taong nakalipas, pinatili ng mga departamento ng Tsina at Pilipinas sa pagpapatupad ng batas ang mahigpit na pag-uugnayan at pagtutulungan at isinagawa ang mga magkasanib na aksyon para bigyang-dagok ang transnasyonal na sugal at telecom fraud.


Sinabi pa ng tagapagsalita na karamihan sa mga sibilyang Tsino na may kinalaman sa mga kaso ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) ay biktima rin ng industriyang ito.


Matatag na tinututulan aniya ng panig Tsino ang mga akusasyon na walang katotohanan at pagdudungis sa imahe ng Tsina sa pangangatwiran ng isyu ng POGO.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil