Sa okasyon ng ika-49 na anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas at ika-23 “Araw ng Pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas,” isang pagtatanghal ang ginanap, Hunyo 9, 2024 sa Manila.
Sa kanyang talumpati, inihayag ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas ang pag-asang magiging pagkakataon ang nasabing aktibidad upang mapasigla ng iba’t-ibang sirkulo ng lipunan ng dalawang bansa ang pagtutulungang tao-sa-tao, mapapalalim ang pagpapalitan at mutuwal na pagkatuto ng mga sibilisasyon, at mapapalakas ang bigkis ng pagkakaibigan ng mga Tsino’t Pilipino.
Itinanghal dito ang makukulay na palabas na kinabibilangan ng pagtugtog ng guqin at iba pang tradisyonal na musikal na instrumento ng Tsina, akrobatika, Peking opera, at iba pa.
Mahigit 1,000 kinatawan mula sa pamahalaan, hukbo, panig pulisya, mga lalawigan’t lunsod, sirkulong komersyal, media, think-tank, at akademiya ng Pilipinas, at mga overseas Chinese ang dumalo.
Ang palabas ay magkakasamang itinaguyod ng Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas, Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, All-China Federation of Returned Overseas Chinese (ACFROC), at Federation of Filipino-Chinese Association of the Philippines.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Larawan: Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas