Artikulo ni Xi Jinping sa paglikha ng bagong de-kalidad na pag-unlad ng Tsina, inilabas

2024-06-16 18:14:06  CMG
Share with:

Inilabas ngayong araw, Hunyo 16, 2024, sa Qiushi Journal, pangunahing magasin ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang artikulo ni Pangulong Xi Jinping tungkol sa paglikha ng bagong kalagayan ng de-kalidad na pag-unlad ng bansa.

 

Ayon dito, ang transpormasyon mula mabilis na pag-unlad tungo sa de-kalidad na pag-unlad ay katangian ng kabuhayan ng Tsina sa bagong panahon, at ito ay pangunahing tungkuling dapat igiit at isabalikat para itatag ang isang modernisadong bansa.

 

Anito pa, ang de-kalidad na pag-unlad ay isang uri ng pag-unlad na mas mabuting makakatugon sa dumaraming pangangailangan ng mga mamamayan para sa maligayang pamumuhay, at mas malinaw na konsentrado sa inobasyon, koordinasyon, pangangalaga sa kapaligiran, pagbubukas, at pagbabahagi.

 

Nakalakip din sa artikulo ang mga pangunahing gawain para itaguyod ang de-kalidad na pag-unlad na gaya ng pagsunod sa bagong pilosopiya sa pag-unlad, pagpapalakas sa ideya ng bagong kalidad ng produktibong puwersa, pagbuo ng modernong sistema ng kabuhayan at bagong kayarian ng kaunlaran, pagpapataas ng lebel ng siyensya’t teknolohiya, pagpapalalim ng reporma, pagpapataas ng lebel ng pagbubukas sa labas, at iba pa.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan