Sistema ng modernong korporasyong may karakteristikong Tsino, ipinagdiinan ni Xi Jinping

2024-06-12 10:59:50  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa Ika-5 Pulong ng Central Commission for Deepening Overall Reform ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Martes, Hunyo 11, 2024, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat pabutihin ang sistema ng modernong korporasyong may katangiang Tsino, at paunlarain ang bukas na kapaligiran ng agham at inobasyon ng teknolohiya na maaring makipagkompetisyon sa pandaigdigang entablado.

 

Pinagtibay sa pulong ang mga patnubay hinggil sa optimisasyon ng sistema ng modernong korporasyong may katangiang Tsino, garantiya ng kita ng mga magsasaka, pagpapabuti ng mekanismo ng kompensasyon sa mga pangunahing lugar na nagpoprodyus ng butil, at pagpapatatag ng bukas na kapaligiran ng agham at inobasyon sa teknolohiya na kompetetibo sa pandaigdigang entablado.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio