MOFA: unilateral na proposal ng Pilipinas hinggil sa SCS ay naki-alam sa karapatan sa soberanya at hurisdiksyon ng Tsina

2024-06-17 18:13:35  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagsumite ng Pilipinas ng proposal sa demarkasyon ng extended continental shelf sa South China Sea sa UN Commission on the Limits of the Continental Shelf (CLCS), ipinahayag Hunyo 17, 2024, ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang aksyong ito ng Pilipinas ay lumanpastangan sa karapatan sa soberanya at hurisdiksyon ng Tsina, dahil may hidwaan ang dalawang bansa sa isyu ng teritoryo at demarkasyon ng dagat sa South China Sea.

 


Dagdag ni Lin, lumabag din ito sa pandaigdigang batas na kinabibilangan ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), at kinauukulang regulasyon ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).

 

Ayon sa tuntunin ng CLCS, hindi dapat suriin ang proposal na may kinalaman sa may alitang dagat na inilahad ng Pilipinas.

 

Salin:Sarah

Pulido:Frank