Mataas na diplomatang Tsino, inilahad ang mga isyu sa win-win kooperasyon at SCS

2024-06-10 16:21:22  CMG
Share with:

Dumalo mula Hunyo 7, 2024, hanggang Hunyo 8, sa Laos, ang delegasyong Tsino na pinamumunuan ni Sun Weidong, Bise Ministrong Panlabas ng Tsina, sa mga pulong ng mga mataas na opisyal ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Tsina, Hapon, at Timog Korea, at Summit ng Silangang Asya, at Rehiyonal na Porum ng ASEAN.

 

Nagpalitan sa pulong ang mga kalahok ng kuru-kuro hinggil sa mga isyung tulad ng alitan ng Palestina at Israel, krisis ng Ukraine, Korean Peninsula, Myanmar, pagbabago ng klima, cybersecurity, artificial intelligence at iba pa.

 

Inilahad ng Tsina ang posisyon nito sa mga kinauukulang isyu at mahigpit na pinabulaanan ang mga maling alegasyon laban sa Tsina na ginawa ng Amerika at mga bansang kanluranin.

 

Sinabi ni Sun na maliwanag na sinusuportahan ng Tsina ang balangkas ng rehiyonal na seguridad na gawing ASEAN bilang sentro, iginigiit ang konsepto ng pagbubukas at win-win na kooperasyon, para itatag ang isang pantay, epektibo, at sustenableng rehiyonal na balangkas ng seguridad.

 


Sa isyu ng South China Sea (SCS), sinabi ni Sun na ang pinakamalaking panganib sa seguridad sa SCS ay galing sa labas ng rehiyon. Isinasagawa ng puwersang pinamumunuan ng Amerika, para sa heopulitikal na layon, ang manipulasyong pulitikal at konprotasyon ng mga kampo, na nakakasira sa lehitimong karapatan ng mga baybaying bansa.

 

Ani Sun, ang Tsina ay mayroong hindi mapag-aalinlanganang soberanya sa mga isla sa South China Sea, at nagsisikap ang Tsina para maayos na hawakan ang mga pagkakaiba sa pamamagitan ng diyalogo at konsultasyon sa mga kinauukulang bansa sa SCS alinsunod ng “dual-track.”

 

Nagsisikap din ang Tsina, kasama ng mga bansang ASEAN, para epektibong isakatuparan ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), at aktibong pasulungin ang pagtatamo ng bagong progreso sa konsultasyon sa Code of Conduct in the South China Sea, dagdag ni Sun.

 

Bukod dito, kaugnay ng isyu ng pagdedeploy ng intermediate-range missile system ng Amerika sa rehiyong ito, sinabi ni Sun na ang itinulak ng aksyong ito ang rehiyon sa arms race at malubhang sinira ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

 

Aniya, buong tatag na tinututulan ng Tsina ang mendalidad ng Cold War at konprotasyon ng mga kampo, at pagsusulot ng puwersang panlabas ng arms race sa rehiyon.

 

Aniya, inaasahan ng ASEAN at ibang kalahok ang kapayapaan, diyalogo at pagkakaisa, at nanawagan si Sun para sa kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at komong pag-unlad, upang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa Silangang Asya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Frank