Kaugnay ng mga pananalita ng panig Pilipino hinggil sa Ren’ai Jiao at Xianbin Jiao, sinabi Biyernes, Hunyo 14, 2024 ni Tagapagsalita Zhang Xiaogang ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina na ang Nansha Qundao na kinabibilangan ng Ren’ai Jiao at Xianbin Jiao ay katutubong teritoryo ng Tsina, at lehitimo at makatwiran ang pangangalaga ng Tsina sa sariling karapatan at pagpapatupad ng batas sa karagatang pinangangasiwaan ng bansa.
Paulit-ulit aniyang inilahad ng panig Tsino ang mga simulain at paninindigan tungkol dito.
Tinukoy ni Zhang na sa katunayan, ang panig Pilipino ay siyang tumaliwas sa mga pangako sa isyu ng Ren’ai Jiao, nanggulo sa rehiyon, nagpapasidhi ng kontradiksyon, nagluto at nagpalaganap ng pekeng impormasyon kaugnay ng Xianbin Jiao, at nagtangkang ilihim ang sariling kilos sa paglapastangan sa karapatan at probokasyon.
Lubos na napapatunayan nitong ang Pilipinas ay tunay na “tagapag-sira sa kapayapaan” at “tagalikha ng kawalang-katatagan” sa rehiyon, dagdag niya.
Saad ni Zhang, sa mula’t mula pa’y nagmamatyag ang Tsina, at patuloy na isasagawa ang lahat ng kinakailangang hakbangin, upang bigyang-ganti ang mapanganib na kilos ng panig Pilipino sa pagpapasidhi ng kalagayan.
Salin: Vera
Pulido: Ramil
Mataas na diplomatang Tsino, inilahad ang mga isyu sa win-win kooperasyon at SCS
Tsina sa Pilipinas, huwag tangkain ang pangmatagalang pagsakop sa Ren’ai Jiao
Arbitrasyon ng SCS, na-misinterpret at binaluktot ang UNCLOS——Tsina
CMG Komentaryo: Pagmamatigas ng pangulong Pilipino laban sa Tsina, pagtatapang-tapangan lamang