Premyer Tsino: Dapat igiit ng Tsina at Australia ang matapat na diyalogo at pagkaunawaan sa isa’t isa

2024-06-18 16:30:36  CMG
Share with:

Sa kanyang pagdalo sa ika-7 China-Australia CEO Roundtable, kasama ni Anthony Albanese, Punong Ministro ng Australia, ipinahayag ngayong araw, Hunyo 18, 2024 ni Premyer Li Qiang ng Tsina, na kung igigiit ng dalawang bansa ang matapat na diyalogo at pagkaunawaan sa isa’t isa, maaaring maayos na mahawakan ng dalawang panig ang mga pagkakaiba at alitan.

 

Sinabi niya na dapat igalang ng dalawang bansa ang kani-kanilang pambansang kalagayan at nukleong interes para patatagin ang pagtitiwalaan at igiit ang pagbubukas at kooperasyon para matamo ang mas maraming bungang may mutuwal na kapakinabangan.

 

Tinukoy ni Li na malawak ang prospek ng kooperasyon ng dalawang bansa at umaasa aniya siyang patuloy na pasusulungin ng mga bahay-kalakal ng dalawang bansa ang kooperasyon sa mga tradisyonal na larangan at aktibong palalawakin ang kooperasyon sa mga bagong larangan.

 

Dumalo sa pulong na ito ang halos 30 namamahalang tauhan ng mga bahay-kalakal at samahan ng komersyo ng dalawang bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil