Bumisita ngayong araw, Hunyo 16, 2024, si Premyer Li Qiang ng Tsina sa Adelaide Zoo para suriin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa pangangalaga at pananaliksik sa giant panda.
Ani Li, ang Adelaide Zoo ay siyang tanging lugar sa Timog Hemisperyo na may mga giant panda, at maligaya ang kanilang buhay rito.
Pinahiram ng Tsina sa Australya noong 2009 ang dalawang giant panda na sina Wang Wang at Fu Ni, at batay sa kasunduan ng dalawang panig, babalik sila sa Tsina ngayong taon.
Ang dalawang giant panda ani Li ay mga embahador ng relasyong Sino-Australyano, at simbolo ng matalik na pagkakaibigan sa pagitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Sa kabila ng malayong distansya ng dalawang bansa at mga pagkakaiba sa iba’t-ibang aspekto, ipinakikita ng matagumpay na kooperasyon ng Tsina at Australya sa mga giant panda, na kung may pagpapahalaga ang kapuwa panig, maisasakatuparan ang mabungang kooperasyong may mutuwal na benepisyo, dagdag ni Li.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan