Premyer Tsino at Governor General ng New Zealand, nagtagpo

2024-06-13 16:16:15  CMG
Share with:

Sa pagtatagpo ngayong araw, Hunyo 13, 2024 sa lunsod Wellington nina Premyer Li Qiang ng Tsina, at Gobernador-Heneral Cindy Kiro ng New Zealand, ipinahayag ng premyer Tsino, na kasama ng New Zealand, magsisikap ang Tsina para mapataas ang antas ng komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa.


Nais din ng panig Tsino, na palakasin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa New Zealand sa edukasyon at kultura, at palawakin ang pagpapalagayan ng mga mamamayan, dagdag ni Li.


Ipinahayag naman ni Kiro na kasama ng panig Tsino, patuloy na pabubutihin ng New Zealand ang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, palalakasin ang pagpapalitan sa kultura, palalalimin ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at haharapin ang mga isyung pandaigdig gaya ng pagbabago ng klima.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio