Sinabi Hunyo 21, 2024, ng tagapagsalita ng Embahadang Tsino sa Hapon na inilabas kamakailan ng panig Hapones ang maling pananalita sa isyu ng South China Sea (SCS) at inakusahan ang Tsina ng walang basehan. Mahigpit na tinututulan ito ng embahada at nagsampa ng isang solemnang protesta hinggil dito.
Ipinahayag ng tagapagsalita ang buong tatag na pagtutol sa paggamit ng Hapon ng ilegal na award sa kaso ng arbitrasyon ng SCS para bigyang presyur ang Tsina.
Tinukoy ng tagapagsalita na ang Hapon ay walang kinalamang panig sa isyu ng SCS at wala itong karapatan na makialam sa mga isyung may kinalaman sa pandagat sa pagitan ng Tsina at Pilipinas. Ang pakikipagtulungan ng Hapon sa Amerika at Pilipinas ay hindi dapat makakapinsala sa soberanya ng teritoryo at karapatang pandagat at interes ng Tsina.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil