CMG Komentaryo: Pagkabahala sa manupaktura sa likod ng pekeng datos ng pagsusuri ng mga kompanya ng sasakyang de motor ng Hapon

2024-06-07 16:13:04  CMG
Share with:


Limang pangunahing kompanya ng sasakyang de motor ng Hapon na kinabibilangan ng Toyota Motor Corporation, Honda Motor Co., Ltd, Mazda Motor Corporation, Yamaha Motors, at Suzuki Motor Corporation ang nabunyag kamakailan na nameke sila ng mga datos sa proseso ng pagsusuri, bagay na nakatawag ng malawakang pansin ng iba’t ibang sirkulo.

 

Inamin ni Chief Cabinet Secretary Yoshimasa Hayashi ng Hapon na ang pangyayaring ito ay hindi lamang nakapagpahina ng pundasyon ng sistema ng akreditasyon ng sasakyang de motor ng Hapon, kundi, nakapinsala rin sa reputasyon ng industriya ng sasakyang de motor ng bansa.

 

Tinukoy ng tagapag-analisa na bilang pillar industry ng manupaktura ng Hapon, posibleng lumalim at tumagal pa ang epekto ng nasabing iskandalo ng industriya ng sasakyang de motor.

 

“Mapagtitiwalaan ba ang manupaktura ng Hapon?” Ito ang duda ng isang ulat ng Mainichi Shimbun ng Hapon nitong Hunyo 5.

 

Anang ulat, nitong nakalipas na ilang taon, ang mga iskandalo ng pagluluto ng pekeng datos sa industriya ng sasakyang de motor ng Hapon ay ibinubunyag taon-taon, at halos pare-pareho ang kani-kanilang katuwiran: itinatakda ng mga opisyal ng kompanya ang di-makatwirang indeks ng tungkulin, upang paikliin ang panahon ng pananaliksik at pagdedebelop, at hangarin ang short-term interest, at dahil dito, sapilitang isinasagawa ng mga manggagawa sa unang prente ng produksyon ang mapanganib na kilos para ipatupad ang di-makatwirang target.

 

Bukod pa riyan, kasabay ng mabilis na pag-unlad ng elektronikong kotse, unti-unti nang nawawala ngayon ang napakalaking bentahe ng mga kompanyang Hapones sa larangan ng fuel vehicle.

 

Sanhi ng iskandalo ng pekeng datos sa pagsusuri, sinuspendi ang paghahatid ng ilang uri ng sasakyang de motor ng mga kompanyang Hapones, at mahaharap ang mga kompanya ng koste at kompanya ng kadena ng suplay sa napakalaking kapinsalaang ekonomiko.

 

Dapat isagawa ng pamahalaan at mga kompanya ng Hapon ang malalim at komprehensibong reporma sa industrya ng manupaktura, upang maiwasan ang pagkapinsala sa sarili at iba.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil