Ministrong Panlabas ng Tsina at Nigeria, nag-usap

2024-06-22 11:25:59  CMG
Share with:

Beijing — Sa pag-uusap Hunyo 21, 2024 nina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Yusuf Maitama Tuggar ng Nigeria, ipinahayag ni Wang na ang Nigeria ay malaking bansang Aprikano na may malawak na impluwensiya.


Kasama ng Nigeria, nakahandang magsikap ang Tsina upang kapit-bisig na maisakatuparan ang pag-unlad at pag-ahon, at walang patid na mapasulong ang relasyong Sino-Nigerian at relasyong Sino-Aprikano, ani Wang.


Binigyan naman ng lubos na papuri ni Tuggar ang serye ng mahalagang inisyatibang pandaigdig na iniharap ng panig Tsino.


Kasama ng panig Tsino, nakahandang palakasin ng Nigeria ang pagkakaisa sa mga bansa ng Global South, saad pa niya.


Bukod pa riyan, inihayag ng kapuwa panig na magkasamang pasusulungin ang pagtamo ng mabungang resulta ng bagong sesyon ng Forum on China-Africa Cooperation na idaraos sa Tsina sa darating na Taglagas.


Salin: Lito

Pulido: Ramil