Pangulong Tsino at pangalawang pangulo ng Nigeria, nagtagpo

2023-10-19 15:35:43  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo Miyerkules, Oktubre 18, 2023 sa Beijing kay Pangalawang Pangulong Kashim Shettima ng Nigeria, inihayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kahandaan ng bansa na pasulungin ang pagtatamo ng mas maraming aktuwal na bunga ng kooperasyon ng Belt and Road.

 

Aniya pa, tutulungan ng Tsina ang Nigeria at Aprika na isakatuparan ang industriyalisasyon at modernisasyong agrikultural.

 


Sinabi naman ni Shettima na handa ang kanyang bansa na tuluy-tuloy na palalimin ang kooperasyon sa Tsina sa ilalim ng kooperasyon ng Belt and Road, at pataasin ang bilateral na relasyon sa bagong antas.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio