AI, tampok sa World Intelligence Expo 2024

2024-06-23 17:49:38  CMG
Share with:

 

Nagsimula noong Hunyo 20 at nagtapos Hunyo 23, 2024, sa Tianjin, lunsod sa hilagang Tsina, itinampok sa World Intelligence Expo 2024 ang artificial intelligence (AI).

 

Maraming bisita ang naging interesado sa iba’t-ibang aplikasyon ng AI, gaya ng robotic arm na nakakagawa ng kape, autonomous driving ng kotse, at iba pa.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Long Teng, Pangalawang Ministro ng Siyensiya at Teknolohiya ng Tsina, na mabilis at malalim ang integrasyon ng AI sa iba’t-ibang industriya, at lumilikha ito ng mga bagong larangan at sektor na magiging makina ng pag-unlad sa hinaharap.

 

Isasakatuparan din aniya ng AI ang napakalaking pag-angat ng lakas at episiyensiya ng produksyon.

 

Ayon naman sa opisyal na datos, mahigit 4,500 ang mga kompanya ng AI ngayon sa Tsina, at lampas 578 bilyong yuan RMB ang kabuuang halaga nito noong 2023 – mas malaki ng halos 14% kumpara sa tinalikdang taon.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan