Panukala ng Amerika na limitahan ang pamumuhunan sa Tsina, nakakabahala – Ministri ng Komersyo ng Tsina

2024-06-24 17:14:29  CMG
Share with:

Bilang tugon sa inilabas na panukalang tuntunin ng Amerika na maglilimita sa pamumuhunan sa Tsina, inihayag Hunyo 24, 2024 ng tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng bansa, ang malaking pagkabahala at matinding pagtutol.

 

Aniya, paulit-ulit na idiniriin ng panig Amerikano na wala itong intensyong “kumalas sa Tsina” at hindi nito nais hadlangan ang pag-unlad ng kabuhayang Tsino; pero lantaran naman nitong inilabas ang nasabing panukala upang limitahan ang pamumuhunan ng mga kompanyang Amerikano sa Tsina at pigilan ang normal na pag-unlad ng industriyang Tsino.

 

Ito aniya ay labag sa napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa sa San Francisco, nakaka-apekto sa karaniwang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng mga kompanya ng kapuwa bansa, nakakasira sa pandaigdigang kaayusang pangkabuhayan at pangkalakalan, at nakakagulo sa kaligtasan at katatagan ng kadena ng industriya at suplay sa buong mundo.

 

Dapat agarang itigil ng Amerika ang pagsasapulitika at pagsa-sandata ng isyung pangkabuhayan at pangkalakalan upang malikha ang paborableng kapaligiran sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng kapuwa bansa, dagdag ng tagapagsalita.


Salin:Lito

Pulido:Rhio