Fresh-cut peonies galing sa Luoyang, Tsina, kauna-unahang iniluwas sa Netherlands

2024-06-24 17:09:41  CMG
Share with:

 

Pagkaraang makapasa sa quarantine inspection sa adwana ng Luoyang, lunsod ng lalawigang Henan sa gitna ng Tsina, pinarating kamakailan sa Netherlands, sakay ng espesyal na eroplano, ang halos 7,000 fresh-cut peonies ng nabanggit na lunsod, at matagumpay na isinagawa ang customs clearance ng mga ito.

 

Ito ang kauna-unahang pagluluwas sa Netherlands ng mga fresh-cut peonies galing sa Luoyang.

 


Ang industriya ng peony ay mahalagang industriya ng pagpapayaman ng mga tao sa Luoyang. Bilang tugon sa mahigpit na pangangailangan sa pag-iimbak at paghahatid ng fresh-cut peonies, isinagawa ng adwana ng Luoyang ang maraming hakbanging gaya ng pagbubukas ng berdeng tsanel ng pagluluwas ng mga sariwang produktong agrikultural, pagbibigay ng patnubay sa mga kompanya na palakasin ang quarantine inspection at pag-iwas sa mga sakit at peste sa bukirin, pagbibigay-alam sa mga kompanya tungkol sa mga patakaran ng Unyong Europeo sa quarantine inspection sa mga halaman, at pagpapaikli sa isang working day ng tagal ng quarantine inspection sa adwana.

 


Ipinahayag ng may kinalamang namamahalang tauhan ng adwana ng Luoyang, na sa susunod, patuloy nilang isasagawa ang mga hakbangin bilang tulong sa industriya ng peony, para maibenta sa daigdig ang mas malaking bilang ng peony ng Luoyang.


Editor: Liu Kai