10-kilometrong VTOL, nakumpleto sa unang pagsubok ng reusable carrier rocket ng Tsina

2024-06-24 14:53:44  CMG
Share with:

Matagumpay na naisagawa, Hunyo 23, 2024 sa Jiuquan Satellite Launch Center ang 10-kilometrong vertical take-off and landing (VTOL) ng unang reusable carrier rocket ng Tsina.

 

Ito ang pinakamataas na VTOL flight test ng nasabing reusable carrier rocket.

 

Layon ng nabanggit na pagsubok na ilatag ang pundasyon ng teknolohiya para sa kauna-unahang paglipad ng four-meter class reusable carrier rocket na nakatakdang isagawa sa 2025.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio