Unang liquid-fueled commercial rocket Tianlong-2, inilunsad ng Tsina

2023-04-03 15:25:21  CMG
Share with:

Jiuquan Satellite Launch Center, lalawigang Gansu sa hilagang kanluran ng Tsina – Matagumpay na inilunsad Linggo, Abril 2, 2023 ang Tianlong-2 Y1, kauna-unahang commercial liquid-fueled carrier rocket ng Tsina.

 


Layon ng naturang paglulunsad na suriin ang pangkalahatang plano ng rocket at sistematikong koordinasyon nito, at kunin ang flight environment parameter.

 

Sakay rin ng nasabing rocket ang isang satellite, at ito ay nailagay na sa nakatakdang orbita.

 


Gagamitin ang satellite sa beripikasyon ng teknolohiya ng remote sensing experiment.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio