Pangulong Tsino, lalahok sa kumperensya na pagdiriwang ng ika-70 Anibersaryo ng Limang Prinsipyo ng Mapayapang Pakikipamuhayan

2024-06-25 16:50:43  CMG
Share with:

Inanunsyo ngayong araw, Hunyo 25, 2024, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na lalahok at bibigkas ng mahalagang talumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Kumperensya na Pagdiriwang ng Ika-70 Anibersaryo ng Limang Prinsipyo ng Mapayapang Pakikipamuhayan na idaraos Hunyo 28, 2024 sa Beijing.

 

Minamarkahan ng taong ito ang ika-70 anibersaryo ng Limang Prinsipyo ng Mapayapang Pakikipamuhayan. Idaraos ng Tsina ang kumperensya at ibang komemoratibong kaganapan sa Biyernes sa Beijing.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil