Pagbati, ipinadala ni Xi Jinping sa pestibal ng kabataan ng Tsina at Amerika

2024-06-24 16:09:20  CMG
Share with:

Isang mensaheng pambati ang ipinadala ngayong araw, Hunyo 24, 2024 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pagbubukas ng aktibidad na "Bond with Kuliang: 2024 China-U.S. Youth Festival," na idinaos sa lunsod Fuzhou ng lalawigang Fujian ng Tsina.

 

Sinabi ni XI, na ang Bond with Kuliang ay isang kuwento hinggil sa mapagkaibigang pagpapalitan ng mga Tsino’t Amerikano.

 

Nagagalak aniya siya sa pagtipun-tipon ng mga kabataang Tsino at Amerikano para sariwain ang kuwento ng Kuliang.

 

Umaasa rin siyang  isasagawa ng mga kabataan ng dalawang bansa ang malalimang pagpapalitan, palalalimin ang pagkaka-unawaan at pagkakaibigan, at magkasamang pasusulungin ang matatag at malusog na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.

 

Salin: Ernest

Pulido: Rhio