Premyer Tsino at Ehekutibong Tagapangulo ng WEF, nagtagpo

2024-06-26 16:14:18  CMG
Share with:

Sa pagtatagpo, Hunyo 25, 2024, sa lunsod Dalian, lalawigang Liaoning, dakong hilagang-silangan ng Tsina, nina Premyer Li Qiang ng Tsina at Klaus Schwab, Ehekutibong Tagapangulo ng World Economic Forum (WEF), ipinahayag ng lider Tsino, na mahina sa kasalukuyan ang kabuhayang pandaigdig, kaya mahalaga ang paghahanap ng bagong puwersang tagapagpasulong.


The World Economic Forum's 15th Annual Meeting of the New Champions, featuring the theme "Next Frontiers for Growth," runs from June 25 to 27 in Dalian, northeast China's Liaoning Province, June 25, 2024. /CFP


Aniya, layon ng "artificial intelligence+" na inilahad ng Tsina na maghain ng mas malakas na puwersang tagapagpasulong sa pag-unlad ng ekonomioya sa pamamagitan ng artipisyal na intelihensya (AI).


Tinukoy ni Li na ang pagbaba ng paglago ng kabuhayang pandaigdig ay may malaking kinalaman sa “pagkakawatak-watak at pagputol ng bigkis” na isinagawa ng ilang bansa. 

Dapat igiit ang pagpapalalim ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan para magkakasamang hanapin ang bagong paglago ng kabuhayan, aniya. 


Umaasa si Li na patuloy na gaganap ng positibong epekto ang WEF para mapangalagaan ang globalisasyong pangkabuhayan at malayang kalakalan. 


Samantala, ipinahayag ni Schwab na patuloy na makikipagkooperasyon ang WEF sa Tsina para pasulungin ang matatag at malusog na pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig at magkasamang harapin ang mga pandaigdigang hamon. 


Salin:Sarah

Pulido:Rhio