Sigasig, kailangan sa pagsusulong ng komong kasaganaan ng mga etnikong rehiyon – Xi Jinping

2024-06-26 16:26:26  CMG
Share with:

Sa kanyang sagot sa liham sa mga taga-Jingning She Autonomous County, lalawigang Zhejiang, gawing Silangan ng Tsina, ipinanawagan ni Pangulong Xi Jinping ng bansa ang pagsusulong ng sigasig upang magkaroon ng de-kalidad na pag-unlad at komong kasaganaan sa mga rehiyong may malaking populasyon ng etnikong minorya.

 

Ang Jingning na itinatag noong 1984 ay siyang tanging autonomous county ng etnikong grupo ng She sa bansa, at ang kasalukuyang taon ay ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng kanilang lugar.

 

Ani Xi, nitong nakalipas na 4 na dekada, kasiya-siyang nagtagumpay ang Jingning sa mga usaping gaya ng pambansang pagkakaisa na may katangian ng pag-unlad.

 

Sinabi rin ng pangulong Tsino, na ikinalulugod niyang makita ang pagligaya ng pamumuhay ng iba’t-ibang lahi ng bansa.

 

Umaasa aniya siyang patuloy na palalaganapin ng mga opisyal at mamamayan ng Jingning ang magandang tradisyon, pahihigpitin ang pambansang pagkakaisa, patitingkarin ang katangi-tanging bentahe, at lilikhain ang makabagong kabanata ng pag-unlad sa proseso ng modernisasyong Tsino.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio