Pangulo ng Tsina at Poland, nag-usap

2024-06-25 14:19:51  CMG
Share with:

Nag-usap kahapon, Hunyo 24, 2024 sa Beijing sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Andrzej Duda ng Poland.

 

Tinukoy ni Xi na ang taong ito ay ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa at nananatiling matatag ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa nitong 75 taong nakalipas.

 

Idiniin niya na dapat patuloy na igiit ng dalawang bansa ang paggalang sa isa’t isa, pantay na pakikipagtunguhan, at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, katigan ang kani-kanilang pagsisikap para mapangalagaan ang pambansang soberanya, seguridad at pag-unlad, at magkasamang tutulan ang ideya ng cold war at bloc confrontation.

 

Aniya, winewelkam ng panig Tsino ang pagpasok ng mas maraming produkto mula Poland sa pamilihang Tsino at kinakatigan ang pamumuhunan sa isa’t isa.

 

Saad pa niya na ipinasiya ng panig Tsino ang pagsasagawa ng patakaran ng 15 araw na visa-free para sa mga mamamayan ng Poland.

 

Ipinahayag naman ni Duda na matatag na iginigiit ng kanyang bansa ang patakarang isang-Tsina at nakahandang patuloy na pasulungin, kasama ng panig Tsino, ang Belt and Road cooperation, palalimin ang pagpapalitan at kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, agrikultura, imprastruktura, kultura, at winewelkam ang pamumuhunan at pagpapatakbo ng mga bahay-kalakal sa Poland.

 

Saad pa niyang nakahanda ang Poland na pasulungin ang pag-unlad ng relasyon ng Unyong Europeo at Tsina at kooperasyon ng mga bansa ng gitnang silangang Europa at Tsina.

 

Bukod dito, tinalakay din nila ang krisis ng Ukraine.

 

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap, magkasamang sinaksikan ng dalawang lider ang paglalagda ng mga dokumentong pangkooperasyon at isinapubliko ang plano ng aksyon hinggil sa pagpapalakas ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng kapuwa bansa mula 2024 hanggang 2027.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil