“Ang patuloy na pag-angat, pagbabago, pagpapabuti, at malalim na reporma sa ekonomiya ng Tsina ay magbibigay ng bagong puwang sa paglago ng mga dayuhang negosyo,” ito ang sinabi, Hunyo 25, 2024 ni Premyer Li Qiang ng Tsina sa isang symposium ng mga kinatawan ng mga dayuhang negosyo sa Summer Davos Forum sa baybaying lunsod ng Dalian, lalawigang Liaoning, hilagang-silangang Tsina.
Chinese Premier Li Qiang attends a symposium for foreign business representatives at the 15th Annual Meeting of the New Champions, also known as the Summer Davos, in Dalian, northeast China's Liaoning Province, June 25, 2024. /Xinhua
Dagdag niya, magpo-pokus ang Tsina sa pagpapalakas ng inobasyon sa industriya sa pamamagitan ng agham at teknolohiya, at pagpapabilis ng pag-unlad ng isang modernong sistemang industriyal.
Patuloy din aniyang palalawakin ang mataas na antas ng pagbubukas, higit pang paluluwagin ang pagpasok ng mga dayuhang negosyo sa merkado, patuloy na bubuksan ang sektor ng serbisyo, at palalawakin ang pagbubukas ng iba’t-ibang institusyon upang magbigay ng mas maraming oportunidad at mas magandang kapaligiran sa mga pandaigdigang mamumuhunan.
Umaasa si Li, na susuportahan ng mga negosyante mula sa lahat ng bansa ang globalisasyon ng ekonomiya at malayang kalakalan.
Inanyayahan din niya ang mga kalahok, na mamuhunan sa Tsina upang makibahagi sa mga dibidendo ng mataas na kalidad na pag-unlad ng bansa.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio