Sa ilalim ng temang “New Opportunities of Silk Road, New Vitality for Eurasian Cooperation,” binuksan, Hunyo 26, 2024 sa lunsod Urumqi ng Xinjiang Uygur Autonomous Region ng Tsina ang ika-8 China-Eurasia Expo.
Inihayag ng mga delegasyong mula sa Kazakhstan, Kyrgyzstan, Uzbekistan, at Tajikistan, ang malakas na hangarin sa pagpapabuti ng kooperasyon sa mga larangang gaya ng kabuhayan, kalakalan, agham at teknolohiya.
Lumahok sa ekspo ang 50 bansa, rehiyon at pandaigdigang organisasyon, at mahigit 1,000 bahay-kalakal at organisasyon ng Tsina.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio