Bersyong Ingles ng “Kasaysayan at Soberanya ng mga Isla ng South China Sea,” isinapubliko

2024-06-25 17:45:35  CMG
Share with:

Pormal na isinapubliko, Hunyo 20, 2024 ng New Star Press ng Tsina ang bersyong Ingles ng aklat na pinamagatang “Kasaysayan at Soberanya ng mga Isla ng South China Sea.”

 

Ang nasabing aklat ay isinulat ni Anthony Carty, kilalang Britanikong propesor sa pandaigdigang batas.

 


Sa pamamagitan ng mga makasaysayang materyales hinggil sa pagkamay-ari ng mga isla sa South China Sea, sapul noong katapusan ng ika-19 na siglo, mula sa Archives ng Ministring Panlabas ng Pransya at mga national archives ng Britanya at Amerika, napatunayan ng nasabing aklat na nabibilang sa Tsina ang soberanya ng mga islang ito.

 

Ilang di-mapapabulaanang konklusyon ang nilinaw sa aklat: ang mga isla ng South China Sea at kaukulang karagatan ay pinakamaagang natuklasan, pinangalanan, at ginamit ng Tsina, at may makasaysayang karapatan ang Tsina sa South China Sea; nabibilang sa Tsina ang soberanya ng mga isla ng South China Sea, at ang katotohanang ito ay kinilala ng mga kaukulang panig na kinabibilangan ng mga bansang kanluran at Biyetnam; ang paninindigan ng Tsina sa South China Sea ay hindi lamang may batayang pangkasaysayan, kundi angkop din sa praktika ng pandaigdigang batas.

 

Bukod pa riyan, malinaw na tinukoy ng mga makasaysayang materyales ng Amerika, Britanya at Pransya na walang anumang mapagtitiwalaang paninindigan sa soberanya ang Pilipinas sa mga islang ito.

 


Diin ni Propesor Carty, ganap na independyente ang kanyang pananaliksik, at wala itong mandato mula sa panig opisyal ng Tsina.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil