Habang nangungulo Huwebes, Hunyo 27, 2024 sa isang group study session ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ipinagdiinan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC ang pagpapabuti ng sistema ng ganap at mahigpit na pangangasiwa sa Partido.
Tinukoy niyang kailangang walang humpay na pasulungin ang reporma sa sarili, upang harapin ang mga hamon at panganib na kinakaharap ng CPC.
Dapat aniyang hanapin at palakasin ang Party building ng mga makabagong uri ng organisasyong ekonomiko at panlipunan, at makabagong anyo ng hanap-buhay.
Dagdag niya, kailangang palakasin ang edukasyon ng mga makabagong teorya at diwa ng Partido para sa mga miyembro ng CPC.
Ipinagdiinan din niya ang pangangailangan sa pagpapabuti ng sistema ng superbisyon sa loob ng Partido.
Salin: Vera
Pulido: Ramil