Pulong ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, idinaos

2024-06-27 15:05:18  CMG
Share with:

Idinaos ngayong araw, Hunyo 27, 2024 ang pulong ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) para talakayin ang hinggil sa ibayo pang pagpapalalim ng reporma at pagpapasulong ng modernisasyong Tsino.


Ipinasiya sa pulong na idaraos ang ika-3 sesyon ng ika-20 Komite Sentral ng CPC sa Beijing mula Hulyo 15 hanggang 18.


Idiniin dito na ang pangkalahatang target ng pagpapalalim ng reporma ay patuloy na magpapabuti at magpapasulong ng sosyalistang sistema na may katangiang Tsino, at modernisasyon ng sistema at kakayahan ng pangangasiwa.


Iniharap din sa pulong na hanggang 2035, komprehensibong itatatag ang de-kalidad na sosyalistang sistema ng market economy.


Pinanguluhan ang pulong ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulong Tsino.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio