Idinaos, Hunyo 29, 2024, sa Victoria Park, Hong Kong, ang seremonya ng pagsisimula ng mga akitibidad bilang pagdiriwang sa ika-27 anibersaryo ng pagbalik ng lugar sa inangbayan.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni John Lee, Punong Ehekutibo ng Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR), na sapul nang bumalik ang Hong Kong sa inangbayan, walang humpay na sumusulong ang lahat ng mga usapin ng Hong Kong, at ito ay bilang ambag sa matagumpay na pagpapatupad ng “Isang Bansa, Dalawang Sistema.”
Nakamtan aniya ng Hong Kong ang mga ito sa pamamagitan ng matibay na suporta ng bansa at magkakasamang pagsisikap ng pamahalaan ng HKSAR, iba’t-ibang sektor, at mga residente.
Sinabi naman ni Zheng Yanxiong, Direktor ng Liaison Office ng Pamahalaang Sentral sa HKSAR, na patuloy na kakatigan ng bansa ang Hong Kong para sa pagpapanatili ng kasaganaan at katatagan.
Naniniwala aniya siyang maisasakatuparan ng Hong Kong ang mas malaking pag-unlad sa pamamagitan ng pakikisangkot sa komprehensibong pag-unlad ng bansa.
Bilang bahagi ng mga selebrasyon, sinimulan nang araw ring iyon sa Victoria Park ang eksibisyon at mga palabas na nagpapakita ng tradisyonal na kultura at inobatibong pag-unlad ng Tsina, na tatagal hanggang Hulyo 2.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan