Opisyal ng HKSAR: Artikulo 23 ay magdudulot ng matatag at masaganang kinabukasan

2024-03-22 14:58:39  CMG
Share with:

Ipinahayag Miyerkules, Marso 20, 2024 ni Cheung Kwok-kwan, Pangalawang Kalihim ng Hudisya ng pamahalaan ng Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR), na ang Artikulo 23 ng Basic Law ng HKSAR ay magdudulot ng matatag at masaganang kinabukasan para pangalagaan ang karapatan at kalayaan ng mga mamamayang lokal ng Hong Kong.


Sa kanyang talumpati sa parehong araw sa ika-55 sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na idinaos sa Geneva, Switerland, sinabi ni Cheung na mali ang anumang aksyon ng pagdudungis at pamininsala sa Artikulo 23 ng Basic Law, dahil ang gawaing lehislatibo ay malawak na sinusuportahan ng iba’t ibang sektor ng Hong Kong.


Saad pa niya na pangangalagaan ng mas mabisa ng Artikulo 23 ng Basic Law ang pambansang seguridad mula sa banta ng masalimuot na heopulitika at ang mga gawain ng lehislasyon ay angkop sa prinsipyo at praktika ng mga pandaigdigang batas.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil