Mensaheng pambati, ipina-abot ng pangulong Tsino sa bagong gobernador-heneral ng Australya

2024-07-01 16:24:19  CMG
Share with:

Sa kanyang mensahe, Hulyo 1, 2024, kay Samantha Mostyn, bilang pagbati sa kanyang panunungkulan bilang gobernador-heneral ng Australya, tinukoy ni Pangulong Xi ng Tsina, na mahalagang kooperatibong magkasosyo ang Tsina at Australya, at importante ring puwersa sa proseso ng multi-polarisasyon ng daigdig.

 

Ani Xi, ang malusog, matatag at maunlad na relasyong Sino-Australyano ay angkop sa pangmatagalang interes ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.

 

Ito rin aniya ay mabuti sa kapayapaan, katatagan, kaunlaran at kasaganaan ng mundo.

 

Sinabi ni Xi na esensyal sa Tsina ang relasyon nito sa Australya, kaya naman nakahanda itong magsikap kasama ng Australya para pasulungin ang mas mabungang komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio