Artikulo ni Xi Jinping sa mga misyon at tungkulin ng CPC, inilabas

2024-07-01 16:19:00  CMG
Share with:

Inilabas ngayong araw, Hulyo 1, 2024 sa ika-13 isyu ng Qiushi Journal, flagship magazine ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang artikulo ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral CPC hinggil sa mga misyon at tungkulin ng Partido sa tunguhin ng makabagong panahon.

 

Ang naturang artikulo ay bahagi ng ulat ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC na ginawa noong Oktubre 16, 2022.

 

Ayon dito, ang sentral na tungkulin ng CPC, simula ngayon ay pamumuno sa mga Tsino mula sa iba’t-ibang lahi, upang komprehensibong buuin ang malakas na modernong sosyalistang bansa; isakatuparan ang ika-2 sentenaryong target ng pagpupunyagi; at komprehensibong pasulungin ang dakilang pag-ahon ng Nasyon sa pamamagitan ng modernisasyong Tsino.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio