Artikulo ni Xi, inilabas sa media ng Kazakhstan

2024-07-02 15:17:28  CMG
Share with:

Inilabas ngayong araw, Hulyo 2, 2024 sa mga media ng Kazakhstan ang artikulo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

 

Sa kanyang artikulo, umaasa si Xi na sa pamamagitan ng kanyang dalaw-pang-estado sa bansang ito, maipagpapatuloy ang tradisyonal na pagkakaibigan at palalalimin ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan.

 

Ipinahayag niya na dapat igiit ng dalawang bansa ang pagkatig sa isa’t isa, at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, patatagin ang pundasyon ng pagkakaibigan ng kanilang mga mamamayan at magkasamang harapin ang kasalukuyang kalagayang pandaigdig.

 

Saad pa ni Xi na sapul nang manungkulan ang Kazakhstan bilang tagapangulong bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), isinagawa ng bansang ito ang mga mabisang hakbangin para palawakin ang impluwensiya ng SCO.

 

Naniniwala siya na magiging matagumpay ang summit ng SCO na idaraos sa Astana ng bansang ito.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil