Xi Jinping, umalis ng Beijing

2024-07-02 10:59:33  CMG
Share with:

Umalis ngayong umaga, Hulyo 2, 2024 ng Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para dumalo sa ika-24 na pulong ng Konseho ng mga Puno ng Estado ng mga kasaping bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).

 

Bukod dito, magsasagawa din siya ng dalaw-pang-estado sa Kazakhstan at Tajikistan sa paanyaya nina Pangulong Kassym-Jomart Tokayev ng Kazakhstan at Pangulong Emomali Rahmon ng Tajikistan.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil